<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d9259646\x26blogName\x3dA+thousand+deaths+empower+me...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://soundlessfootsteps.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://soundlessfootsteps.blogspot.com/\x26vt\x3d-5246052308633467155', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
A thousand deaths empower me...

 

Thursday, March 31

End of Jobhunt?

Yesterday I had my interview with Globe. Going to their office at Pioneer St., Mandaluyong was much easier than going to Makati. And for the first time, I kept my shoes in my bag and wore flipflops during the trip to and from Globe. ;) It was necessary because one of my toenails, I believe, is still in a coma. Haha, I thought I really was gonna lose it!

I was early by an hour so I ate first at GTP's ground floor. Then I went up to the third, then the fourth floor to look for Miss Eugenio. It caused a little confusion at the lobbies of both floors because I couldn't remember Ms. Eugenio's first name. After a while I was led into a conference room and was interviewed by Via and Emily from the IT Department. Via is an MIS graduate from Ateneo, so the interview was generally comfortable and quite informal. Di na masyadong English-English. :P

When I went out of the room, nagulat ako at nandun si Fake. Hehe, si Lihan. :P

Auntie Jojet texted me that she was in Ateneo and asked me if I was by any chance there, too. I told here I was in Globe, which was quite near their condo unit. So she asked me to come over to their place. Hay grabe, nabugbog ako sa likot ng mga Lugue kids. :))

Ritz was funny, telling me that her Kuya Angelo is her boyfriend! I asked Paeng why she said that, and he replied, "I don't know. She thinks Angelo is pogi!" Hahaha. Kakaiba ang batang 'to. And she kept on kissing, licking, huffing & puffing on my face! It was sweet. But wet, too! :| I spent the rest of the afternoon wrestling with her so she wouldn't lick my face again! :))

It was a fun but tiring day. The kids were ecstatic that they had a "visitor", hehe. Tami asked if I lived "far, far away". I said yes, I lived far, far away near Bukid. Akala ko nga kung ano yung sinasabi nilang "Phuket" yun pala "Bukid". Sosyal e, mala-Thailand. :P Basta, ang kulit nina Ritz and Tami... they' wouldn't even let me use the toilet alone! :)) Tami sold lemonade (which was just stirred water) for three pesos. Sabi ko wala akong pera, so she gave me a cup for only a peso. :P

Lolo and Lola went to Antipolo that day with Uncle Charlie. Kaya nakasabay ako sa kanila pauwi ng Lipa.

Later that night, nagbrown-out. Kaya "nag-istoryahan" kami ni Patty sa dilim hanggang magka-ilaw na ulit before midnight. :))

Anyway, I already backed out from PeopleSupport, with which I had an interview scheduled today, supposedly with the hiring supervisor. I talked to Eric's answering machine and I think nagkalat ako sa pagexplain why I'm backing out. :P

Mama called Fujitsu and talked with Ms. Gigi Francisco and set me up for a meeting tomorrow. So I guess I'd have my OJT in Fujitsu, after all. It's a little sad, because all the stress and excitement of choosing a company just ended. And all it took was a mother's phone call. ;)

Globe called again and scheduled me for an exam on Monday. I had to back out from that, too. Sana lang, sure na yung sa Fujitsu. *wish* *wish* *wish*

Anyway, I'm still going to the Pldt/Smart thing on Saturday. Just for fun, hehe. :P Ang feeling.
posted on 10:59:00 PM

0 comments

Wednesday, March 30

Misadventures Galore

Di ako nagising sa alarm clock. Dapat 5:30 ako gumising nun kasi magdo-drawing pa ko ng map of Makati, haha. And naturally, si Patty ang pinagbintangan kong nagpatay ng alarm. Sabi naman niya hindi raw. But I still blamed her anyway. :P

Eto pa. Pagsakay ko ng bus, akala ko mamamatay na ko! Last passenger ako at dun ako sa pinakadulo nakaupo. I'm sorry, pero mukhang terorista yung katabi ko! Meron siyang inaayos lagi na malaking bagay dun sa ilalim ng upuan namin. Feeling ko bomba. Tas nung bumaba siya sa Turbina, wala naman siyang bitbit. *gasp* As usual, I got carried away imagining every terrible thing that could happen to me. My seat was exactly on top of the "bomb" and I'd be surely blown to bits if ever it exploded! Di naman ako makalipat sa mas harap kasi andaming bagahe nung nasa harap ko. Ayun, sobrang nagdadasal na kaya ako.

Well obviously hindi totoong bomba yun dahil buhay pa ko ngayon. Bumaba ako sa Dela Rosa tas sumakay ng isa pang bus na Ayala. Dapat sa Herrera ko bababa kaya lang, syempre eengot-engot ako dun at sa Paseo de Roxas ako napadpad. Which is not so bad 'cause after walking, walking, walking... and asking every security guard for directions, I finally found 116 Herrera St., Legaspi Village, Makati City. Which is the home of Imperium Technology. Maaga pa ko for my interview set at 11am.

Bago pala yun, una nagstop-over muna ko sa 7 Eleven para dun bulatlatin ang dinrowing kong mapa. Hahaha! Nakakahiya naman kasing kumunsulta sa munti kong mapa habang naglalakad ako sa kalsado 'no. Ayun, nagsuklay-suklay din at bumili ng Safari chocolate para hindi naman nakakahiya. Hehe. After nun, sa paglalakad ko (na trial and error method) e sa Greebelt 1 ako napadpad. Sa maling side pala ng Legazpi and napuntahan ko. Pero at least I had an idea na kung saan ako pwedeng mag-lunch later on. Pagkatapos... ano pa nga ba kundi lakad ulit. Nung nakita ko na yung 116, tumambay din muna ko sa MiniStop na malapit dun kasi sobrang aga pa at kelangan ko mag-cool down cuz it's like, so mainet and nakakapawis to walk, walk and walk. :P

So I showed up for my interview at 10:30. The receptionist asked for my resume, and offered me a seat where I could wait. There I was, looking around and being careful with their, anong tawag dito, small indoor fountain because I might get wet. Hehehe.

Later, Ms. Katrina Aguila arrived and led me to their conference room. The interview was short; she just asked what programming language I was most confident in (syempre Java) and other details about the practicum course. I was quite surprised when she asked me "So when would you want to start?" So ibig sabihin tanggap na ko? Hehe, cause I was expecting that she'd interview me and then contact me later if was accepted or not. Sabi ko tuloy, "Does it mean I'm already accepted?" Siguro gets din niya na medyo nagulat ako kaya sabi niya she'll just forward my resume and contact me for the final decision. Parang ganun din, meron nga lang "formal" na final decision. I gave Phi's and Zi's names 'cause she asked about my other batchmates. Di pa lang daw niya narereplyan yung mga emails nila.

Working in Imperium seems like a good choice. Number one reason, wala silang formal office hours. As in come and go as you like. Hehe, and cool di ba. Di kailangang mastress pag na-traffic or whatever. Number two reason, they have a lot of projects daw so definitely I'd have something to do. Number three reason, I might need to do some self-study daw. Which is something that I think would be really helpful for me, para naman magka-initiative ako to study stuff beyond what I get from the classrooms. Feeling ko kasi, I'm too curriculum-ish for a CS major. Kung ano lang yung lecture, yun lang yung inaalam ko. Gets?

Ayun. I wasn't able to ask if they provide allowance for OJT. Shy ako e. :P

So I was done early with my Imperium interview. Saan pa nga ba ako pupunta kundi balik sa Greenbelt 1. E yun lang yung alam kong place e, hehe. Ang init pa naman sa labas. Lakad lakad lakad... tambay sa National Bookstore. Dun sa area na pambata. May nakita kong nakaupo dun sa isang sulok kaya ginaya ko, umupo din ako dun sa kabilang sulok naman. Medyo masakit na rin kasi yung paa ko. Browse browse. Then tumawag si Ate Grace, na kinulit ni Mama sa text na asa Makati ako at samahan daw ako. Nasa Landmark daw siya kung gusto kong i-meet siya. E di ko pa alam nun kung pano pumunta dun kaya sabi ko, okay lang naman ako. Nagworry tuloy ang cousin ko from Denver, hehehe. :P

Anyway, mukhang matagal pa bago dumating si Zippy or Philip. I got bored... so ano ginawa ko? E di naglakad ulit! Nakarating ako sa Greenbelt 2 & 3. Lakad lakad tingin tingin. Upo sa bench para mapahinga ang lalo pang sumasakit na paa ko. After a while, lunch time na. Bumalik ako sa Gbelt 1 at naghintay sa Popeye's dahil malapit na daw si Zippy. Antagal naman, gutom na ko. Tapos asa Glorietta pala siya. Kaya pumila na ko, sabi ko kung malayo e wag na siyang pumunta sakin. Baka ma-late lang siya sa interview niya sa IBM at sisihin pa niya ko. :P

(Nobela na ito.)

So dumating siya kumakain na ko. Nagdrama pa tuloy, hehe. After kong kumain, kinaladkad na niya ko sa 6750. Under the sun. Ang init! Nakarating din naman sa IBM si Phi. So ayun nag-iingay na naman kami sa reception area ng IBM. Ipis, churva stories and all. Pikchoor-pikchoor pa nga. :P

Image hosted by Photobucket.com
-- Unsolicitedly provided by Phi again. ;) --

Antagal ni Zippy, so Phi and I went ahead to PeopleSupport. Joke na naman ang "H" underground ped walk instructions ni Phi. Namatay na naman kami pag-akyat ng escalator! Sa kabilang ibayo na naman kami napadpad. Anyway, the interview with PeopleSupport was okay. Taglish dito, taglish doon. :P When I was done, I walked out of the conference room and found Phi and his orange friend. Hehe. :P Tawag pa sakin e "Cherish". Tsktsk, nakwento na ni Phi ang buhay ko sa friend niya, including my wonderful experience with Accenture HR peeps. Kumalat na tuloy sa PeopleSupport. ;) Mabait naman si Orange Friend, hehe. All-for-churva. :P

After that, we went to Glorietta so Phi could eat his lunch. 4:30 na nun ah. We never heard from Zippy again, kung ano na ang nangyari sa kanya. Phi and I went CR-hopping, joke. :P Sa BK kami kumain, with some
taong-droga nearby. Matagal kami dun kasi si Libran Phi nag-scales pa... antagal mag-isip kung anong gagawin sa buhay niya.

Ang dapat sanang maikling lakad to the MRT station ay humaba nang humaba dahil sinuyod pa namin ang SM Makati. Me and my suggestions. *sigh* Hehehe. Nakakita pa tuloy ng Candy Corner. ;)

Then... surprise, surprise! Pagdating sa Alimall wala na naman bus papuntang Batangas! Ansakit na nga ng paa ko sa paglakad yun pa ang dadatnan ko. Nag-taxi na lang ako to Kamias, sa terminal ng JAM. Najoke-joke pa ko ng pagsakay sa bus. Sabi kasi unang aalis yung Lipa kesa dun sa Batangas Calabarzon na mas maraming sakay. E tatlo lang kaming pasahero nung Lipa. Kaya lumipat ako dun sa Batangas. Sabi ko mas mabilis naman siguro makakarating 'to, Calabarzon naman e. Aba! Pagkaupo ko dun sa kanilang bus, biglang umalis na yung Lipa! Grrr. Tapos biglang di na rin daw pala magca-Calabarzon yung nilipatan ko. Grrrrrrrrrrr.

Ayun. Omg, ang haba.

Bukas Globe naman. Thursday PeopleSupport again. Saturday PLDT.

Mabuhay ang tsinelas! Mamatay na ang nag-imbento ng heels. :P
posted on 12:06:00 AM

1 comments

Sunday, March 27

Oh-Jay-Tee

Here's a funny coincidence: The HR contact persons of Imperium Technology, PeopleSupport Philippines, and PLDT Group are Katrina, Katherine, and Cathy, respectively. What's with the names? I missed the first name of my contact in Globe, Ms. Eugenio, but if it turns out to be Kate or something... guess I shouldn't be surprised. Haha.

Tomorrow, I'm scheduled for an interview with Imperium at 11am, and another one with PeopleSupport at 3pm. I am a little nervous. Hindi dahil sa interview mismo, kundi kung paano ko makakarating dun. Heller, I am no Makati-girl. Not even a Lipa-girl. Come to think of it, I'm just a home-girl. Haha. I don't even have any sense of direction. So I'm guessing that about ten hours from now, I'll be one poor girl lost in the streets of Makati. Hooray.

On Wednesday, I have an interview with Globe Telecom at 10am. And I have the same worry. Hope I'll get there -- in time, and in one piece. :P

On Saturday, it's the kickoff of PLDT Group Student Camp Program. Looks like fun.

At least, now I have no plans of wearing uncomfy shoes to any of these appointments. (Lesson learned the hard, and painful, way.)
posted on 11:55:00 PM

0 comments

Thursday, March 24

Dead Feet

The pain my feet endured during the debut was mild -- this I found out last Monday, when I literally walked my way to Libis for my OJT exam for Canon.

My poor dead feet.

"I can make it through the rain..."
"They can say anything they want to say..."
"When you're happy and you know it, clap your hands!"

Songs of encouragement did little to ease the terrible pain I endured, all because I attempted to wear something a little formal. In Zippy's terms, formal my ***! :P

Anyway, believe it or not, for the OJT exam, we (Zippy, Ken, Philip and I) actually got our own table for four inside our very own cubicle. Which more or less meant that the answering the exam became "a group effort". In one part, we even shared questionnaires! Oh well, it wasn't much cause for rejoicing since I still ran out of time answering the stupid math part. (Fractions = complete mental block!) That on top of the fact that my feet were still aching like hell.

Naturally, the flipflops I bought in Market! Market! felt like heaven. My feet were finally able to rest in peace. Haha. So I didn't mind walking all over the place, round and round the food area for some serious *******-hunting (hint: resibo).

We gave up the hunt after a few hours, haha. We watched Cursed, which turned out to be more funny than it is scary, what with its anti-climactic musical score during the movie's, erm, climax. And though Phi may still disagree, I believe Cursed is way better than Clockstoppers.

I went home late again that night. And my instinct was right... now I'm grounded. :P
posted on 3:02:00 AM

2 comments

Monday, March 21

The Night CS Invaded Maielle's Debut

Ang sakit ng paa ko.

Hirap na hirap akong mag-makeup. Tapos sasabihin nila

"Sana nag-ayos ka!"
"May make-up ka ba?"

At least, siguro ganun talaga ang point ko. Subtle di ba? Hehe, whatever. Di masyadong helpful ang Google. :P

Before: (6pm)
Image hosted by Photobucket.com

After: (1130pm)
Image hosted by Photobucket.com

Walang effect 'no?!

Andaming food. Hindi na nga ako makahinga sa damit ko, tas ganun pa.

Yung iba dyan, may dalawang near-death experiences. (Alam ko namang na-eexcite ka pag kinikwento kita sa blog ko. Aminin.) Una sa compartment ng kotse, tas sa elevator. Kung saan nag-tour pa kami hanggang 19th floor. Hahaha.

Image hosted by Photobucket.com
--Image unsolicitedly provided by Phi.--

*Pikchure* *Pikchure*

Sana hindi nagtatago ng upuan sa ilalim ng mesa. ;)
posted on 12:25:00 AM

0 comments

Sunday, March 20

Power Rangers, At Ang Mga Kapamilya

Image hosted by Photobucket.com
Power Rangers with (Ate) Kim

Image hosted by Photobucket.com
(Lolo) Zippy

Image hosted by Photobucket.com
(Tito) Johning

Image hosted by Photobucket.com
(Ninong) Ken
posted on 1:04:00 PM

0 comments

Thursday, March 17

Random Thoughts 005

* Wheeeee! I'm done with Philo orals. I'm done with this sem! :))

* Sabi ni Kim kanina before orals, "I'm gonna die... and resurrect in 15 minutes. I beat Jesus! It took Him three days; I'll do it in 15 minutes!"

* TGFMJ!

* KKLAHN! KDNAHK! Yak!

* Sana may tumanggap na sakin for practicum. :(

* Patty, parang kulang ang effect sa hair mo. Hehehe.

* Summer na!

* You are the ULTIMATE Logic Champion! Yahoo!

* Uwi na ko...
posted on 1:05:00 PM

0 comments

Wednesday, March 16

Random Thoughts 004

* This is interesting... :P Peyups Article: Ragna Cum Laude

* Three hours and three pages to go for my Com111 Final Paper!

* We love Doc Mana. We love Doc Mana. Hehe.
posted on 1:29:00 PM

0 comments

Close to You | The Carpenters

On the day that you were born
The angels got together
And decided to create a dream come true
So they sprinkled moon dust in your hair of gold
And starlight in your eyes of blue.



That is why all the girls in town
Follow you all around.
Just like me, they long to be
Close to you.

On the day that you were born
The angels got together
And decided to create a dream come true
So they sprinkled moon dust in your hair of gold
And starlight in your eyes of blue.

That is why all the girls in town
Follow you all around.
Just like me, they long to be
Close to you.
Just like me (Just like me)
They long to be
Close to you.

Wahhhhhhhhhhh, close to you.
Wahhhhhhhhhhh, close to you.
Hahhhhhhhhhhh, close to you.
Lahhhhhhhhhhh, close to you.
posted on 1:22:00 PM

3 comments

Wednesday, March 9

Ang Buhay sa Faura Steps

Last Monday, we had our ugliest episode yet in our beloved Faura steps. "GO AWAY! NOW! I SAID GO AWAY!" barked the old professor/writer (in his bedroom look).

I turned and innocently asked Kim, "Tayo ba?"

*irap* *irap* Nawalan ako ng respeto sa kanya. Bad.

So now I am proposing that we, the ever-present tambays of Faura Steps, get some kind of support AND protection from DISCS or OSA, or Sanggu, or the Magna Carta, maybe-- against unnecessarily harsh treatment from the faculty, scenes most similar to the MMDA banishing the vendors from their beloved sidewalks. Faura people have been inhabiting the steps of the building for quite a number of years, I believe. So why not make it official? Give us the right to stay where we have always been staying, protect us from the tantrums of some teachers, and we'll try our best to keep our noise levels to a minimum. (Na-experience ba ng seniors ang ganitong problema? Naisip ko nga, baka batch lang talaga namin ang maingay.)

It's only been a few days since we officially migrated to the other side of the stairs, and this is welcome speech that we get. "GO AWAY!" And I thought we'd be safer over there, since there were no open classrooms on that side of the building. Well, I guess I was wrong.

"It embarasses me to embarass you." Then don't! :P

San pa ba kasi pwede tumambay ang mga Faura people? Sa driveway? Sa garden sa gitna? Sa rooftop?! Dapat nga magpasalamat ang Ateneo, nagtitiis kami sa steps. ("Ateneans feel that the world owes them.") Maybe they should provide us with a better tamabayan. Yung mas conducive sa pag-cram ng CS projects at pag-aaral para sa surprise midterms. Baka sakali dumami ang ma-produce nilang CS graduates.

Haha! Ang layo na ng inabot ng usapang ito. Drama na. Parang yung mga teacher minsan. OA.
posted on 11:09:00 PM

2 comments

Random Thoughts 003

* Went through two exams today. Manhid na ako sa hell days. Can't feel panic, fear, stress and pressure anymore. Pero nagugutom pa rin ako palagi.

* Doc Mana, nagsubmit ako ng Program 1! Grrr.

* Super friends na talaga ng Voltes team si Ate ng Food Afterthought. :)

* Pati si Miss Mel. Wehehe.

* Sana mag-boot na sa XP ang computer ni (Tito) Johning. In fairness cute ang mga pamangkins, di nagmana sa Tito. :P

* Hindi pa rin ako marunong sumipol. Frustration ito! :(

* Strict talaga ng Voltes team!

* Accenture testing! I dunno what to wear! Sabi kasi ni JB, yung mga kasabay niya magtest, puro naka-formal. Hello! Wala akong maayos na damit dito... Grrr. Haynako, okay na ang maong. Baka mga graduates na yung mga todo-pormang mga yun. OJT lang kami 'no. Young and casual! (Huh? Ano yun!)

* Sana di na ko ma-late sa guidance interview. (1) Nakakahiya na. (2) Alangang magpaguidance pa ko sa finals week! (3) Let's get it over with.

* Hoy Patring! Sana hindi na ko naka-megaphone. Kahit mas matino ang battery nito, I want my phone back!

* Ang saya ni Doc Tagle, binigay ang tanong AT sagot sa identification part ng exam. Ahahaha.

* Nakakahiya na maging Quizzard ah. Tsk tsk. Naki-ride lang kay Punzki. :P Hehe, pero like ko talaga ang jacket!!

* OMG. Tapos na ang second sem?! Hindi pa ako senior. O hinde!

* Overnight na naman bukas para sa CS23, ang paborito naming project. :X

* Sanya's birthday tomorrow! Happy 19th!
posted on 11:08:00 PM

0 comments

Sunday, March 6

?

Isang taon na akong pormal na namimilosopiya. Ngunit tunay na namimilosopiya nga ba?

Labing-siyam na taon na akong tao. Ngunit tunay nga ba akong nagpapakatao?

Ilang pahina na ang binasa at sinulat ko para sa kursong Pilosopiya ng Tao. Ilang ulit na akong bumigkas sa harap ng guro, upang magpaliwanag at maglahad ng mga natututunan ko sa klase. Ngunit hindi lang din minsan kung tinatamaan ako ng katamaran. Nakakapagod mamilosopiya. Nang hindi ko namamalayan, naging isa na ako sa mga nagbibingi-bingihan sa "Lundagin mo, beybe!" at sa halip ay kopya nang kopya sa maliit kong notebook.

Ano nga ba ang tunay na pamimilosopiya? Susubukan ko munang talakayin kung ano sa palagay ko ang huwad na pilosopiya, at baka sakaling mas luminaw kung ano ang tunay.

Sa pagbukadkad at paglaya ng isip ng tao, darating ang pagkakataong mamumulat siya sa kalawakan at kayamanan ng Meron. Umiiral ako, at sa aking paligid ay tila walang hanggan ang mga maaring hanapin, tuklasin, at danasin. Hindi ko yata maiiwasang mamangha dito sa Kalahat-lahatang pumapalibot sa akin.

Ano ngayon ang gagawin ko sa gitna ng ganitong kahiwagaan?

Una, maari kong isiping ako’y isang napakaliit na detalye lamang sa Kalahatang ito, na ni hindi ko nga matalos ng lubusan. May pagkakaiba ba kung subukan ko mang unawaain ang Meron o hindi? Sa katunayan, may katuturan ba ang anumang pasya o kilos ko, samantalang tila isang butil lang ako ng buhangin kung ikukumpara sa buong kalawakan? Sa kasong ito, bigo yata ang pamimilosopiya. Nalunod ako sa kayamanan ng Meron. Nawalan ng halaga ang aking mga kilos, ang aking pagkatao, at samakatuwid, ang aking pag-iral.

Sa kabilang banda, maaring buong-puso kong tanggapin ang pagiging detalyado at mabutingting ng Meron. Masigasig kong susuriin ang bawat bagay, maliit man o malaki. Ang bawat gawain ko sa araw-araw ay dibdiban kong pagninilayan: Paano nagpapaka-sabon ang sabon? Ayon ba sa telos ko ang magsuot ng medyas na parehas ang kulay? Ginogoyo lang kaya ako ng tindera sa cafeteria? … at kung anu-ano pa. Sa pagsisikap kong yakaping ganap ang pilosopiya, tila naging anti-tesis ako sa layunin ng tunay na pilosopiya. Sa labis kong pagbubusisi, may sarili na akong mundo – na nagiging dahilan upang mawalay ako sa totoong mundong dapat sanang dinaranas ko. Sagabal imbis na tulong sa aking pamumuhay ang labis na pagkahumaling ko sa pagtatanong at pagsusuri sa mga detalye.

Maari ko ring gawin ang magpanggap na mamilosopiya. Paglalaruan at paiikut-ikutin ako ang mga konsepto, kunwari’y pinag-isipan at pinagmunihan ko, kahit sa totoo’y nagsaulo lamang ako ng mga detalye. Hindi ko talaga nauunawaan ang aking pamimilosopiya. Hindi ko nailalapit sa aking pamumuhay. Hindi ko ginagawa.

Ang tunay na pilosopiya ay umaapaw sa totoong paggawa: isang aktibong gawain kung saan palaging bukas ang aking isip at pandama sa pagdanas sa Meron. Kung namimilosopiya akong talaga, lagi kong mararamdaman ang udyok na tumugon at makisalamuha sa Meron. Sa mismong pagtatangka ko pa lamang na mamulat sa aking paligid, tumutugon at nakikisalamuha na ako. Mahigpit ang pagkakatali ko sa Meron at ng Meron sa akin. Kung ako ay isang halaman, ang Meron ay ang hangin na bumubuhay sa akin. Sa mismong pagpapaka-halaman ko, nagsasagutan kami ng Meron; kapwa naming pinapatubo at pinapayaman ang bawat isa.

Kung intrinsikong bahagi ng pamimilosopiya ang aktibong paggawa at pagtugon, tunay na magkakabit pala ang pamimilosopiya at pagpapakatao. Hindi ko maaring gawin ang isa nang hindi ginagawa ang isa pa. Sinusubukan kong kilalanin at tanggapin ang tawag ng Meron sa pilosopiya, at sabay nito sinusubukan kong tugunan ang tawag na ito sa aking pagpapakatao.

Ngunit ano nga ba ang tawag ng Meron na kinikilala, tinatanggap, at tinutugunan ko? Marami nang nasabi tungkol dito: Tinatawag ako ng meron na dumanas, kumilatis, patubuin ang Meron, magpaka-ako… at kung anu-ano pa. Ngunit naniniwala ako na sa huli, ang buod ng tawag ng Meron ay ang pakikipagkapwa. Nagiging makabuluhan lamang ang pag-iral at pagdanas ko dahil mayroon akong kapwa.

Itatanong ninyo, “Ibig sabihin, hindi ako maaring magpakatao nang mag-isa?” Ano sa tingin ninyo? Anong saysay ng pagpapaka-ako, kung walang hindi-ako, walang ikaw, walang siya? Ang tawag ng meron ay lumilinaw sa akin dahil sa aking kapwa. Sa kapwa tao ko nauunawaan ang kahulugan ng analogia, hindi lamang sa ating mga tao… kundi pati ang analogia nating mga linalang sa totoong Meron, ang Lumalang.

Kahit na ang pilosopiya ay sadyang pansariling gawain (Ako lamang ang maaring mamilosopiya para sa aking sarili.), lagi nitong binubuksan ang aking sarili sa pagdanas sa hindi-ko-sarili. Gayundin, ang pagpapakatao ay, sa katotohanan, pakikipagkapwa-tao. Hinahanap ng bawat isa ang tunay na kaligayahan para sa sarili at para sa kapwa. Tunay na kaligayahang hindi katumbas ng makamundong kayamanan, aliw, at kapangyarihan. Sa pagpapakatao, sinisikap kong abutin ang mabuti hindi lamang para sa aking sarili, kundi para sa ibang tao.

Ang kakayahan ng taong tumungo sa Mabuti ay isang likas na kakayahan, ngunit patuloy na sinasanay at pinag-aaralan upang lalong tumalas at humusay. Maraming paghihirap ang sumusubok sa tao habang nabubuhay siya, at dito tumitindi ang hamon upang manatiling mabuti.

Dahil namumulat ako sa pagkakabuklod ko sa aking kapwa at sa Lumalang, nauunawaan ko na may kahulugan pala ang pagmemeron ko. Hindi na ako mabubulagan na ako’y detalyeng walang halaga. Hindi ko sasabihing, “Tao lang ako, isa sa bilyun-bilyon sa mundo. Ano ba ang magagawa ko?” Hindi rin, “Aba! Tao yata ako. Kaya kong gawin lahat nang mag-isa.” Sa halip, sasabihin kong, “Tao ako, katulad at kaiba sa mga kapwa ko. Tao akong pinagsisikapang lapitan ang isang Diyos na lumikha sa lahat.”

Ibig sabihin ba nitong alam ko na ang lahat? Nauunawaan ko na ang lahat tungkol sa akin, sa aking kapwa, sa Diyos, sa lahat? Hindi yata. Sa katunayan, hindi pa rin nawawala ang pagtataka ko sa pagmemeron ng lahat ng nabanggit. Hindi ko hawak ang mga sagot. Sa halip, sa kabuuan ng pagmemeron ko, mga tanong lamang ang kaya kong panghawakan. Gaano man kaligaya, kapayapa, at kaayos ang buhay ko, sa huli’y pulos pagtataya lamang ang nagawa ko. Gumawa man ako ng daan-daang libro ukol sa mga nauunawaan ko, sumulat man ako ng (syn)tesis ukol sa lahat ng natutunan ko, hindi nababawasan ang pagtatanong, ang pagtataka, at ang paghahanap. Ako ay isang tunay na tanong.

Sinasabi ko sa tesis, na bilang mga tanong mayroon tayong kinakasalamuhang isang sagot, ang Mabuti. Ngunit, naisip ko, ito nga ba ang sagot na natagpuan ko sa aking pamumuhay? May natagpuan na nga ba akong sagot? Nambobola lang ba ako sa tesis ko, dahil magandang pakinggan na may tunay na sagot ang tunay na tanong? Kung gayon, niloloko ko lang ba ang sarili ko sa pagsabing natagpuan ko na ang sagot, ang Mabuti? Sinasalungat ko ba ang sarili kong pahayag?

Oo, naniniwala ako na mayroong sagot. At na ang sagot na iyon ay ang Mabuti. Alam kong sinusubukan kong magpakabuti, at may tumatawag sa akin upang gawin iyon. May bumubulong sa akin na huwag magsigarilyo, huwag magpabaya sa pag-aaral, na paginhawahin ang buhay ng aking pamilya. Hindi laging malakas ang mga bulong na iyan. Ngunit nanduon pa rin.

Samakatwid, nababawasan ba ang pagpapaka-tanong ng isang tanong kung may natagpuan na itong sagot? Hindi. Sa katunayan, lalo pang pinagtitibay ang pagiging tanong nito sapagkat mayroong sagot na walang-katapusang humihila at umaakit dito. Hindi nababawasan ang pagpapakatao ko dahil may isang Diyos na palaging tumatawag sa akin at sa ating lahat. Lalo pa ngang yumayaman ang pagpapakatao ko dahil sa liwanag na nagmumula sa Kanya.

Bagama’t alam kong may Diyos, at naniniwala akong Siya ang sagot sa tunay na tanong ng tao, hindi nababawasan ang paghahanap at pagtataka ko sapagkat hindi ko pa Siya lubusang nauunawaan at nakikilala. At kahit na hindi ko Siya lubusang mauunawaan kailanman, Siya pa rin ang direksyon ko, ang tinutungo ko. Siya ang nakikita ko sa kalooban ko, at sa kalooban ng aking kapwa.

Kung imumulat ko lang ang aking mga mata, magugulat ako sa tunay na kagandahan at katatagan ng kalooban ng tao, at sa kakayahan kong mahalin at alagaan ang kapwa ko dahil dito. Sa palagay ko, ito’y hindi lamang dahil sa pananagutan. Ang kakayahan nating gumawa ng mabuti, umibig, at magmahal sa ating kapwa ay ang nagmumula sa umaapaw na pag-ibig ng walang-hanggang Diyos.

Sa katapusan, sinasanay ko pa rin ang sarili ko sa pagtatanong. Minsan, tinatamad pa rin akong mamilosopiya at magpakatao. Ngunit andiyan palagi ang Sagot. Hindi tumitigil sa pagtawag sa akin. Maari ba namang hindi ako magtanong?
posted on 1:20:00 AM

2 comments

Homerun | Shawn Lee, Megan Zheng

I just watched this Singaporean film on TV. And I love it!

The film is all about Ah Kun, a poor boy who lost his younger sister Seow Fang's shoes. Not wanting to aggravate their family's financial problems, brother and sister decide to take the problem into their own small hands. Moments throughout the film will make you laugh, cry, or hold your breath. And, the children (especially Beng Soon) are so cute! ;)

I admire the genuine love between brother and sister, and the unfailing loyalty of Ah Kun's friends. To say that the movie touched me would be an understatement -- it made me cry.

And I must say, the ending's REALLY good.

This movie is hard to forget.
posted on 12:36:00 AM

1 comments

Thursday, March 3

Voltes V++ Gallery


Ako ba ito?  Posted by Hello


Philip  Posted by Hello


Zippy  Posted by Hello


Ken  Posted by Hello


Gil  Posted by Hello


Mia and Kim  Posted by Hello

Madami pang ++, si Kim at Mia na lang muna. Hehe. ;)
posted on 6:11:00 PM

2 comments

The Commonly Confused Words Test

English Genius

You scored 100% Beginner, 100% Intermediate, 100% Advanced, and 77% Expert!

You did so extremely well, even I can't find a word to describe your excellence! You have the uncommon intelligence necessary to understand things that most people don't. You have an extensive vocabulary, and you're not afraid to use it properly! Way to go!

Test statistics:

Compared to users who took the test and are and in your age group:
100% had lower Beginner scores.
100% had lower Intermediate scores.
100% had lower Advanced scores.
100% had lower Expert scores.

With respect to Beginner, users aged 55 to 59 scored highest.
With respect to Intermediate, users aged 55 to 59 scored highest.
With respect to Advanced, users aged 55 to 59 scored highest.
With respect to Expert, users aged 55 to 59 scored highest.


Take the test!


//Got the link from Ate Jess. Too bad, my philo paper has to be in Filipino. :P

posted on 2:27:00 PM

0 comments

In Search of an Inspiration

(Syn)thesis Statement

Ang tunay na pilosopiya at tunay na pagpapakatao ay hindi maaring paghiwalayin. Sinusubukan kong kilalanin at tanggapin ang tawag ng Meron sa pilosopiya, at sabay nito sinusubukan kong tugunan ang tawag na ito sa aking pagpapakatao. Sa gayon, unti-unti kong natutuklasan ang kahulugan ng pagmemeron ko: Ako ay isang tunay na tanong na nakikisalamuha sa isang tunay na sagot, ang Mabuti.


I have about 15 hours to churn out a 6-page paper on my thesis statement. Plus a (surprise!) midterm exam for CS23! Ang galing talaga mag-midterms ni Doc Mana. March na, at four days before the exam lang nag-aanounce. Tsk tsk.

Se help me God.
posted on 1:52:00 PM

0 comments

Wednesday, March 2

Random Thoughts 002

* LSS: "Think of me..." Si Ken talaga lagi pasimuno ng mga LSS. At in fairness, tumatagal talaga ang mga pinapauso niya! :P

* Studying for CS23. *sigh* Doc Mana is... *sigh* I have no words. Grrr.

* Comm project presentation yesterday. Daredevil lahat ng clips namin! Well at least, hindi kami nabiktima ng "sound of silence". :P

* I never get to have enough sleep these days. Oversleeping is a thing of the past. How I miss it.

* "footwear-altering height" "patriotic" Special thanks to Regent Cakes! :P

* I wonder. What's gonna happen to CompSAt 2006? Martial Law na ito!

* I miss my old life.

* "We're good couples." Walang tigil talaga ang okrayan!

* Di ko makita ang Tenji.

* Christine called last week, and we wondered about the future of the human race... :P
posted on 5:10:00 AM

0 comments

© vanyei 2005 - Powered for Blogger by Blogger Templates


Add to My Yahoo! Google Reader