Eto pa. Pagsakay ko ng bus, akala ko mamamatay na ko! Last passenger ako at dun ako sa pinakadulo nakaupo. I'm sorry, pero mukhang terorista yung katabi ko! Meron siyang inaayos lagi na malaking bagay dun sa ilalim ng upuan namin. Feeling ko bomba. Tas nung bumaba siya sa Turbina, wala naman siyang bitbit. *gasp* As usual, I got carried away imagining every terrible thing that could happen to me. My seat was exactly on top of the "bomb" and I'd be surely blown to bits if ever it exploded! Di naman ako makalipat sa mas harap kasi andaming bagahe nung nasa harap ko. Ayun, sobrang nagdadasal na kaya ako.
Well obviously hindi totoong bomba yun dahil buhay pa ko ngayon. Bumaba ako sa Dela Rosa tas sumakay ng isa pang bus na Ayala. Dapat sa Herrera ko bababa kaya lang, syempre eengot-engot ako dun at sa Paseo de Roxas ako napadpad. Which is not so bad 'cause after walking, walking, walking... and asking every security guard for directions, I finally found 116 Herrera St., Legaspi Village, Makati City. Which is the home of Imperium Technology. Maaga pa ko for my interview set at 11am.
Bago pala yun, una nagstop-over muna ko sa 7 Eleven para dun bulatlatin ang dinrowing kong mapa. Hahaha! Nakakahiya naman kasing kumunsulta sa munti kong mapa habang naglalakad ako sa kalsado 'no. Ayun, nagsuklay-suklay din at bumili ng Safari chocolate para hindi naman nakakahiya. Hehe. After nun, sa paglalakad ko (na trial and error method) e sa Greebelt 1 ako napadpad. Sa maling side pala ng Legazpi and napuntahan ko. Pero at least I had an idea na kung saan ako pwedeng mag-lunch later on. Pagkatapos... ano pa nga ba kundi lakad ulit. Nung nakita ko na yung 116, tumambay din muna ko sa MiniStop na malapit dun kasi sobrang aga pa at kelangan ko mag-cool down cuz it's like, so mainet and nakakapawis to walk, walk and walk. :P
So I showed up for my interview at 10:30. The receptionist asked for my resume, and offered me a seat where I could wait. There I was, looking around and being careful with their, anong tawag dito, small indoor fountain because I might get wet. Hehehe.
Later, Ms. Katrina Aguila arrived and led me to their conference room. The interview was short; she just asked what programming language I was most confident in (syempre Java) and other details about the practicum course. I was quite surprised when she asked me "So when would you want to start?" So ibig sabihin tanggap na ko? Hehe, cause I was expecting that she'd interview me and then contact me later if was accepted or not. Sabi ko tuloy, "Does it mean I'm already accepted?" Siguro gets din niya na medyo nagulat ako kaya sabi niya she'll just forward my resume and contact me for the final decision. Parang ganun din, meron nga lang "formal" na final decision. I gave Phi's and Zi's names 'cause she asked about my other batchmates. Di pa lang daw niya narereplyan yung mga emails nila.
Working in Imperium seems like a good choice. Number one reason, wala silang formal office hours. As in come and go as you like. Hehe, and cool di ba. Di kailangang mastress pag na-traffic or whatever. Number two reason, they have a lot of projects daw so definitely I'd have something to do. Number three reason, I might need to do some self-study daw. Which is something that I think would be really helpful for me, para naman magka-initiative ako to study stuff beyond what I get from the classrooms. Feeling ko kasi, I'm too curriculum-ish for a CS major. Kung ano lang yung lecture, yun lang yung inaalam ko. Gets?
Ayun. I wasn't able to ask if they provide allowance for OJT. Shy ako e. :P
So I was done early with my Imperium interview. Saan pa nga ba ako pupunta kundi balik sa Greenbelt 1. E yun lang yung alam kong place e, hehe. Ang init pa naman sa labas. Lakad lakad lakad... tambay sa National Bookstore. Dun sa area na pambata. May nakita kong nakaupo dun sa isang sulok kaya ginaya ko, umupo din ako dun sa kabilang sulok naman. Medyo masakit na rin kasi yung paa ko. Browse browse. Then tumawag si Ate Grace, na kinulit ni Mama sa text na asa Makati ako at samahan daw ako. Nasa Landmark daw siya kung gusto kong i-meet siya. E di ko pa alam nun kung pano pumunta dun kaya sabi ko, okay lang naman ako. Nagworry tuloy ang cousin ko from Denver, hehehe. :P
Anyway, mukhang matagal pa bago dumating si Zippy or Philip. I got bored... so ano ginawa ko? E di naglakad ulit! Nakarating ako sa Greenbelt 2 & 3. Lakad lakad tingin tingin. Upo sa bench para mapahinga ang lalo pang sumasakit na paa ko. After a while, lunch time na. Bumalik ako sa Gbelt 1 at naghintay sa Popeye's dahil malapit na daw si Zippy. Antagal naman, gutom na ko. Tapos asa Glorietta pala siya. Kaya pumila na ko, sabi ko kung malayo e wag na siyang pumunta sakin. Baka ma-late lang siya sa interview niya sa IBM at sisihin pa niya ko. :P
(Nobela na ito.)
So dumating siya kumakain na ko. Nagdrama pa tuloy, hehe. After kong kumain, kinaladkad na niya ko sa 6750. Under the sun. Ang init! Nakarating din naman sa IBM si Phi. So ayun nag-iingay na naman kami sa reception area ng IBM. Ipis, churva stories and all. Pikchoor-pikchoor pa nga. :P
-- Unsolicitedly provided by Phi again. ;) --
Antagal ni Zippy, so Phi and I went ahead to PeopleSupport. Joke na naman ang "H" underground ped walk instructions ni Phi. Namatay na naman kami pag-akyat ng escalator! Sa kabilang ibayo na naman kami napadpad. Anyway, the interview with PeopleSupport was okay. Taglish dito, taglish doon. :P When I was done, I walked out of the conference room and found Phi and his orange friend. Hehe. :P Tawag pa sakin e "Cherish". Tsktsk, nakwento na ni Phi ang buhay ko sa friend niya, including my wonderful experience with Accenture HR peeps. Kumalat na tuloy sa PeopleSupport. ;) Mabait naman si Orange Friend, hehe. All-for-churva. :P
After that, we went to Glorietta so Phi could eat his lunch. 4:30 na nun ah. We never heard from Zippy again, kung ano na ang nangyari sa kanya. Phi and I went CR-hopping, joke. :P Sa BK kami kumain, with some
taong-droga nearby. Matagal kami dun kasi si Libran Phi nag-scales pa... antagal mag-isip kung anong gagawin sa buhay niya.
Ang dapat sanang maikling lakad to the MRT station ay humaba nang humaba dahil sinuyod pa namin ang SM Makati. Me and my suggestions. *sigh* Hehehe. Nakakita pa tuloy ng Candy Corner. ;)
Then... surprise, surprise! Pagdating sa Alimall wala na naman bus papuntang Batangas! Ansakit na nga ng paa ko sa paglakad yun pa ang dadatnan ko. Nag-taxi na lang ako to Kamias, sa terminal ng JAM. Najoke-joke pa ko ng pagsakay sa bus. Sabi kasi unang aalis yung Lipa kesa dun sa Batangas Calabarzon na mas maraming sakay. E tatlo lang kaming pasahero nung Lipa. Kaya lumipat ako dun sa Batangas. Sabi ko mas mabilis naman siguro makakarating 'to, Calabarzon naman e. Aba! Pagkaupo ko dun sa kanilang bus, biglang umalis na yung Lipa! Grrr. Tapos biglang di na rin daw pala magca-Calabarzon yung nilipatan ko. Grrrrrrrrrrr.
Ayun. Omg, ang haba.
Bukas Globe naman. Thursday PeopleSupport again. Saturday PLDT.
Mabuhay ang tsinelas! Mamatay na ang nag-imbento ng heels. :P
posted on 12:06:00 AM
said...
I can't believe I'm making this a hobby... Ang magbasa at magcomment sa blog ng iba... Hay... Aspiring novelist ka na pala ngaion... At in fairness, natawa ako sa may part nung bus na nagpalit ng sign with you making palit the ride too... =))