Medyo nauna kasi syang dumating kesa sakin. Tapos pagdating ko sa pinto ko, may susi ng bike sa may baba. Syempre isang tao lang naman ang pwedeng magkaroon ng bike sa aming friendly neighborhood.
Nag-isip ako ng ilang segundo kung anong gagawin. Kakatok ba ako?? Papabayaan ko na lang ba sa sahig yung susi? Malay ko ba, mamaya kay PA lang pala yun. Hahaha!
Pero sige na nga. Kung kay friendly neighbor yun, kawawa naman sya kung magpanic sya the next day sa kakahanap ng susi. Kaya nag-ipon na lang ako ng lakas... at nangapitbahay! Tinapat ko na lang sa camera yung susi para malinaw na yun lang ang sadya ko. Hahaha!
Nice to meet you, Mr. Friendly Neighbor. Friends na tayo ha! ;)
# FYI. Si friendly neighbor ang nag-iisang Japanese sa building namin.
posted on 2:04:00 PM