- Nag-walkout ako sa panaginip ko kagabi. Hahaha, I feel powerful! ;)
- Sino ba ang nakaisip ng napakagandang ideya na bawal ngumiti na labas ang ngipin sa ID picture?? Ang hirap kaya nun! Hindi lahat ng tao kayang gawin yun. Actually pwede naman, pero syempre hindi laging kagandahan ang kalalabasan! Nakakainis. Hindi ako nagpakahirap ng ilang taon sa pagtitiis ng may braces para lang pagbawalang ilabas ang ngipin ko! Hahaha, loka.
- Subukan nyo nga 'to:
(Babala: isang kuwento na tanging tunay na
BatangueƱo lang ang makakaintindi!)
Dine sa Tuklong ay may puno ng kape na arugang-
aruga pa ng Mamay. Sadyang pinapugadan sa
hantik na guyam at pinabantayan sa bilot. Isang
araw, naaulutang ngatain ng Mamay ang bubot
na parang sinturis. Pasal na pasal. Nang bigla na
lang siyang napaumis, humirindat at tuluyan ng
nabang-aw. Bigla na lang nagpatikar, lumiban ng
karsada kahit umaambon, naglulupagi sa gabokan
kaya puro libag, tubal na tubal, talipa ang sipit at
gura. Napadpad ang Mamay sa masukal na
balinghuyan at doon naulutang gamitin ang kawot
para garutihin ang mga bangkalang. Pero liyo at
parang barik na barik pa rin ang Mamay kaya
naghamon pa ng panumbi. Wala namang kumana
kaya pagerper na lang ang napagdiskitahan.
Pagkatapos ng barokbokan, lungkuyin at hapong-
hapo ang Mamay. Naging matalute ang usapan sa
bayaran dahil mulay lang ang gustong ibayad ng
Mamay. Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper
at tinangkab ang Mamay. Nagligalig ang Mamay
dahil sa marami daw kato, amoy hawot at makati
pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw ang
bayad. Sa pagkabanas ay napaingles ang
Mamay ? "I am entitled for senior citizen discount!!
Wala kang galang sa matanda, dapat kang
ipabarangay. Siguro hindi ka taga Batangas ano?"
Naglabas na ng balisong ang Mamay. - On top of pages upon pages of insurance forms, bank forms, at lahat na yata ng forms sa mundo na sinagutan namin (at hindi uso ang carbon paper), we also signed a nondisclosure agreement with Canon yesterday. (Hmmm, am I even allowed to blog about this? W!) So I guess I can't and won't be blogging about any work-related stuff from now on. Hahaha, chismis na lang about officemates! ;)
- Maraming advice at warning ang binigay sakin ni Tita Evelyn about "the corporate world" kanina. Bukod pa yan sa pag-assist sa paghahanap ng damit pangtrabaho. Hay, palapit na nang palapit ang May 2! Sana hindi ako ma-late!
- Kumusta naman ang pag-aambisyon ko to take up a sport so I can be physically fit and still look my age even with all the stress that I think I'm supposed to face everyday at work. Takot kami ni Andree na mag-mukhang lola! :)) Stress tabs na 'to!
- Ending na kanina ng Kim Sam Soon. Buti naman hindi ako namatayan ng TV. Napanood ko nga, pero bitin pa rin.
- Finally, after more than a month, naka-frame na din ang grad pic ko.
- Cuddly Block N guys. Haha, nice. :)
posted on 11:44:00 PM