<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d9259646\x26blogName\x3dA+thousand+deaths+empower+me...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://soundlessfootsteps.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://soundlessfootsteps.blogspot.com/\x26vt\x3d-5246052308633467155', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
A thousand deaths empower me...

 

Wednesday, February 9

Feb 7 is my day...

Hindi ako marunong magalit. Yeah, right!

For the first time, I felt REALLY mad at my friends. Yes, it was February 7, Monday. I didn't get to enjoy a supposedly long weekend because of Doc Mana's PROJECT HELL. I got on a bus at almost lunch time already, but since nobody from the group told me about a meeting time I thought there was no problem.

Somewhere along the long, long way to school Philip was able to text me that they're gonna eat in UP. Or something like that. And that we'll just meet in school, but if they're not yet there, I can go straight to UP. So I said fine.

When I arrived at the bus terminal and bought myself a very late lunch, I asked Philip where I would meet them. No answer. Nasa FX na ko to Katips. Wala pa ring sagot. I thought I'd wait it out in MiniStop so I plunked myself and all my "baggages" into a chair. And waited.

I called them up. Philip. Zippy. Ken. I also tried Kim. NO ANSWER. Call again. NO ANSWER. I finally got an answer from JB, pero hello! Nasa bahay siya, di kasama ng mga ewan. After 15 minutes of calling (in vain), I decided to just go to school. What the hell. At least makakain ko ng ayos yung take-out ko.

Pero syempre pagdating sa school di pa rin ako makakain kasi nga... I can't figure out where the hell they are! Ang dami nila, lahat may telepono, at lahat di sumasagot!!!

I called Mama. Pag ganun talaga, sino pa nga ba tatawagan ko? Inis na talaga ko nun, at di ko na alam ang gagawin, so I called her. Nagulat nga ako, nanginginig yung boses ko ("close to tears" is how Mama described it, as I'd find out later on). Sabiu niya, try Ken's landline at kung wala... umuwi na daw ako.

As expected, wala naman sila sa bahay ni Ken. Ayoko pa umuwi nun kasi nga... heller! Emosyonal pa ako nun! I just can't believe it. NASAN NA SILA?!

I was angrily walking towards Faura (where I planned to eat and figure out what to do next) when Philip called. Finally. Using Ken's phone. Asking where I was.

Sabi ko, "E di nasa skul! Nasan ba kayo?"

"Asa Celebrity." Fine. Nagbabadminton sila.

"Bat di kayo sumasagot sa phone?!"

"Nakalimutan nga namin e. Buti naalala ni Zippy."

"O e ano ngayon?"

"Ano nga?"

"E di puntahan nyo ko!!"

"O sige, malapit na kami matapos." #@%$!?!?!?!?

Binaba ko na yung phone. Unbelievable.

I sat down on the bench, fuming and staring into space. Lumuwas pa ko para sa project, ang dadatnan ko mga groupmates na nagbabadminton at kinalimutang imimeet ako. Huwaw. Okay lang naman sakin maghintay e. Basta ba alam ko kung nasan sila. Hello! Clueless kaya ako nun.

Kumain na lang ako nung pancit. Pero di ko maubos, nakakawalang-gana.

30 minutes later, lalo lang nadadagdagan ang pagkabwisit ko. Nag-text. Pumunta daw ako sa parking lot at hanapin ang CRV ni Kim.

Fine. Isang oras akong totally clueless kung nasan sila. Nag-hintay ng 30 minutes more so they can finish their game. Ngayon maglalakad ako papuntang parking lot. Ang galing.

E di lakad. I saw Ken's car as he was parking it. Aba ang bati ni Zippy, "Bat mukhang sad na sad ka, Vannie?" Not seriously, natatawa pa.

Akala ko pa naman na-gets na nila na galit na ko. Aba hinde. Pagbukas ko ng pinto, sabi ni Philip, "You're supposed to ride with Kim!"

I slammed the door without a word and walked to Kim's car. UGGGGHHHH!

Tahimik lang ako sa car ni Kim. Kung matagal na daw ako dun. Sabi ko, "...mga 2:00."

"Naku, sorry talaga ha."

Okay lang. Tahimik lang ako. Bwisit kasi.


Later on, sabi ko sa kanya, "Pigilan mo ko Kim! Hindi ako marunong magalit... Nakakainis kasi e!"

"Vannie, sorry talaga..."

Ayun. Okay naman si Kim e. She said sorry, so I was okay with her. I was actually calmer when we got out of the car at Ken's place.

Pero di pa rin okay ang mga lalaksot. Tahimik lang sila dun. Umakyat na kami sa attic. Nahuli si Zippy. Then pagpasok nya sa room, aba! Kumakanta ng Ave Maria! At may bitbit na laptop with a PowerPoint Presentation.

Ang nakalagay, sorry na daw. Tao lang sila. Di nila sinasadya.

Medyo natatawa na ko pero... di pa rin okay 'no.

Ayun, nangulit nang nangulit si Zippy at Philip. Deadma.

Tapos sabi ni Zippy "Ah ewan ko sa inyo. Basta bati na kami ni Vannie."

Ang kapal ng mukha!!! Natawa tuloy ako, sabay sampal. Haha.

After that medyo di na ko tense. Pero di ko pa rin sila kinakausap ng ayos. Dapat lang naman siguro ko magalit 'no.

Nangungulit pa rin. Basahin ko pa daw yung ibang slides ng presentation nila. Sabi ko, "Ang presentation, hindi binabasa! Pinepresent!"

Kumanta ng I'm A Little Teapot, with actions. Nasisira ang moment ko dahil natatawa na ko. Tapos sabi ko, "Hindi pwede yan. Di kayo kumpleto. Wala si Ken."

Pag dating naman ni Ken, aba seryoso... ayaw pumasok at tigilan na daw. Sorry na daw. Naguiguilty (yata) kasi di daw niya ko na-text.

Dito bumaliktad ang storya. Biglang sila ang nag-drama. Si Zippy nag-aacting with real tears. Sabi ko, "Sana hindi kayo nagdadrama! Ano ba! Sana hindi ako yung kontrabida!"

Well... more retorts, jokes, laughs, and pouts later... Nakita ko na rin ang yung ibang slides. Okay lang daw na matapos ang 3 years of friendship dahil lang sa bandminton. They understand.

Pero tapusin ko daw muna yung project.

HUWAAAAAAAAAAAT?!! Haynako. Sabi ko na nga ba di pa rin nila ko seseryosohin whatever I do. Anyway, forgiven na. Group hug.
posted on 1:08:00 AM


Anonymous Anonymous said...

di talaga kami kayang tiisin ng vannie na yan...lalo na ako kasi may 3 years na kaming friends... di ba? =P  


Post a Comment

© vanyei 2005 - Powered for Blogger by Blogger Templates


Add to My Yahoo! Google Reader